Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangako nito sa bansa.
Batay ito sa inilibas na survey ngayong araw ng Social Weather Station o SWS.
Sa tanong na,
Sa inyong palagay, ilan sa mga pangako ni Pangulong Rody Duterte ang posibleng matutupad?
35% ang nagsabing lahat o karamihan sa mga pangako ang matutupad.
Mas mababa ito kumpara sa 53% noong Marso na nagsabing matutupad ng Pangulo ang mga ipinangako nito.
Ginawa ang survey noong Setyembre 23 hanggang 27, kung saang tinanong ang nasa 1,500 katao sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon pa sa SWS, bagamat bumagsak ang bilang ng mga naniniwalang tutuparin ng Pangulo ang mga pangako nito, 67% o 7 sa kada 10 Pilipino naman ang nagsabing kuntento pa rin sila sa pamamahala ni Pangulong Duterte.
19% ang hindi kuntento habang 14% ang undecided.