Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap sa huling bahagi ng 2018.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumilitaw na 50 porsyento o katumbas ng 11.6 milyong Pilipino ang kinukunsidera ang kanilang mga sarili na mahirap.
Mas mababa ito ng dalawang porsyento kumpara sa 52 porsyento o 12.2 milyon nuong Setyembre ng nakaraang taon.
Samantala, lumabas din sa survey na 34 porsyento ng mga pamilyang Pilipino o katumbas ng 7.6 milyon ang ikinukunsidera ang kanilang pagkain na pang mahirap.
Ang naturang survey ay isinagawa nuong 16 hanggang 19 ng Disyembre sa may 1,440 respondents sa pamamagitan ng harapang panayam.