Bumaba sa 7.9 million ang bilang ng mga filipinong walang trabaho sa ika-apat na bahagi ng 2019 ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mas mababa ito ng halos 4% o mula sa 10 milyong walang trabaho na naitala nuong September 2019.
Itinuturing ng SWS na “jobless adults” ang mga nagbitiw mula sa kanilang trabaho, naghahanap pa lamang ng trabaho at nawalan ng trabaho dahil sa problema sa kumpanyang kanilang pinapasukan.