Mabilis kumpara sa karaniwan ang pagbagsak ng satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga nakalipas na pangulo ng bansa.
Ayon kay Social Weather Station (SWS) President Mahar Mangahas, normal lamang na bumabagsak ang ratings ng isang pangulo habang tumatagal sa puwesto subalit medyo mabilis sa karaniwan ang kay Pangulong Duterte dahil nasa ikalawang taon pa lamang ng kanyang termino.
Gayunman, dahil napanatili naman ng Pangulong Duterte ang kanyang good ratings, isa itong indikasyon na siya ay nananatili sa honeymoon stage.
Napag-alaman kay Mangahas na sa hanay ng mga naging pangulo ng bansa, si dating Pangulong Noynoy Aquino ang may pinakamatagal na honeymoon stage o good ratings na tumagal ng tatlong taon samantalang pinaka-maiksi ang kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Sinabi ni Mangahas na sa hanay ng mga naging pangulo, tanging si Estrada pa lamang ang naungusan ni Pangulong Duterte pagdating sa satisfaction ratings.
Kailangan aniyang mapanatili ni Pangulong Duterte sa good ang kanyang ratings hanggang sa susunod na taon upang umagapay sa magandang satisfaction ratings ni dating Pangulong Noynoy Aquino.