Nananatiling nangungunang Vice Presidentiable para sa 2016 elections si Senadora Grace Poe batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS.
Lumalabas na 21 porsyento ng 1,200 respondents ang ang boboto kay Poe sa pagka-Bise Presidente.
Pumapangalawa naman sa listahan ng mga napupusuang maging Bise Presidente ng publiko si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na may 12 percent habang nagtabla naman sa ikatlong puwesto sina Senador Chiz Escudero at Vice President Jejomar Binay na kapwa may tig-7 percent.
Pasok din sa listahan sina dating Pangulo at kasalukuyang Manila Mayor Joseph Estrada, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, dating Senador Panfilo Lacson na may tig-3 percent.
Dalawang (2%) porsyento naman ang nakuha nina Senadora Miriam Defensor Santiago at Senador Alan Peter Cayetano.
Matatandaang sa survey ng SWS at Pulse Asia, nangunguna rin si Poe sa mga nais ng mga Pinoy na maging susunod na Pangulo ng bansa.
By Ralph Obina