Kontra ang halos 50 porsyento ng mga Pilipino para ipagamit sa transgender women ang mga comfort room na pambabae.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS kung saan nakasaad din na 32 porsyento ang payag na ipagamit sa transgender women ang female toilet at walo naman ang undecided.
Lumalabas din sa nasabing survey na 48 porsyento ang hindi sang ayon na mapayagan ang transgender na palitan ang kanilang official documents tulad ng birth certificate at driver’s license base na rin sa kanilang identity samantalang 22 porsyento naman ang pabor dito.
Samantala, 56 na porsyento naman ang hindi naniniwalang ang pagiging transgender ay hindi isang mental illness kontra sa 19 na naniniwalang isa itong sakit.
25 porsyento naman ang naniniwalang nagkakasala ang mga transgender at 36 na porsyento naman ang kumbinsidong walang ginagawang kasalanan ang mga transgender.
Ang survey ay isinagawa nitong nakalipas na September 27 hanggang 30 sa halos 2,000 respondents.