Nagpaalala ang SWS o Social Weather Station sa publiko na maging mapanuri hinggil sa mga naglilipanang mga pekeng pre-election surveys dahil sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Ayon sa SWS, kaliwa’t kanan ang mga grupong nagsasagawa ng naturang surveys para sa nalalapit na halalan at karamihan sa mga ito ay mga hindi lehitimong grupo.
Paglilinaw nila, nakasuot ng valid na identification o ID cards ang kanilang mga interviewers na may logo mismo ng SWS, may pangalan at lagda ng mismong nag-iinterview at nakasaad din ang validity period ng naturang ID.
Payo ng SWS sa publiko, bisitahin ang kanilang opisyal na website para malaman ang kanilang mga anunsiyo, advisories, at reports.