Mayorya ng mga Filipino ang naniniwalang bumaba na ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga sa nakalipas na taon.
Batay ito sa resulta ng SWS o Social Weather Station sa huling bahagi ng 2018, kung saan lumabas na 66 na porsyento ng mga Filipino ang nagsabing bumaba na ang mga drug addicts sa kani-kanilang lugar.
14 na porsyento naman ng mga Filipino ang nagsabing dumami pa ang bilang mga drug users habang pitong porsyento ang naniniwalang walang pinagbago sa bilang ng mga ito.
Sa kapareho ding survey, lumabas na mayorya o katumbas ng 95 porsyento ng mga filipino ang nagsabing mahalagang mahuli ng buhay ang drug suspect habang limang porsyento naman ang nagsabing hindi ito mahalaga.
Isinagawa ang nabanggit na survey sa 1,444 adult respondents mula Disyembre 16 hanggang 18 ng taong 2018.