Nakahandang tumulong ang nakararaming Pilipino sa mga kababayan nito na lubhang naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Ito ay batay sa resulta ng Social Weather Station o SWS survey na isinagawa noong Setyembre 23 hanggang 27.
Lumalabas sa survey na 60% respondents ang naghayag ng kanilang kahandaan na umasiste sa mga biktima ng giyera sa Marawi.
27% ng mga respondents ang nagsabing ‘Very Ready’ silang tumulong; 33% ang ‘Somewhat Ready’; 11% ang ‘Somewhat Unready’ at 9% naman ang sumagot na ‘Very Unready’.
Samantala, nangunguna naman ang Class ABC na may 66% sa mga payag na tumulong, sunod ang Class D na may 61% at Class E na may 53%.