Tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakabagong Social Weather Station (SWS) survey, ngayong huling quarter ng taon.
Sa isinagawang survey noong Disyembre 8 hanggang 16 sa 1,200, ‘Very Good’ ang marka o tumaas ng 71% ang bilang ng mga Pilipino na kuntento sa pamumuno ni Pangulong Duterte kumpara sa 67% noong ikatlong quarter.
Nasa 13% ang ‘Unsatisfied’ habang 15% ang ‘Undecided’ sa performance ng Pangulo.
Nananatili namang ‘Good’ ang satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo habang pumalo sa ‘Record – High’ ang rating ni Senate President Aquilino Pimentel III.
Tumaas din ang rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez habang nasa ‘Neutral’ ang nakuhang marka ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ang kanyang pinaka – mababang net satisfaction rating.
Nakakuha ng 63% si Robredo habang 21% ang ‘Unsatisfied’; 62% ang ‘Satisfied’ sa performance ni Pimentel, 13% ang ‘Dissatisfied’;
Umani naman si Alvarez ng 38% satisfaction rating habang 23 ang ‘Unsatisfied’ habang si Sereno ay nakakuha ng 34% satisfaction rating at 28% ‘Unsatisfied’.