Mayorya ng Pilipino ang nagsasabing hindi nila iboboto ang manok ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na halalang pampanguluhan sa 2016.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan, negative 6 percent ang lumabas sa tanong kung iboboto ba ang kandidatong inendorso ng pangulo.
Ayon sa SWS, kapag positive net figures ang lumabas sa survey, nangangahulugan ito na iboboto nila ang manok ng Pangulo ngunit kabaligtaran naman kung negative ang naging resulta.
Bukod sa Pangulong Aquino, bagsak din ang nakuhang grado ng iba pang dating pangulo tulad nila Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.
Ibig sabihin, walang magiging epekto sa publiko sa kung sinuman ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-pangulo.
By Jaymark Dagala