Naitala ang pinakamababang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng gutom sa nagdaang 12 taon.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS, nasa 2.4 million na pamilya o 10.6 percent ang nakaranas ng gutom mula July hanggang Setyembre ng taong ito.
Mas mababa ito ng 4.6 points sa 15.2 percent na naitala mula Abril hanggang Hunyo at pinakamababa mula nang maitala ang 7.4 percent noong 2004.
Ayon sa SWS, bumaba ang bilang ng mga nakaranas ng gutom sa lahat ng panig ng bansa, pinakamalaki ang sa Metro Manila na bumaba sa 7.3 percent mula sa dating 17 percent.
By Len Aguirre