Naungusan na si dating senador Manny Villar bilang pinakamayamang Pilipino, batay sa listahan ng Forbes magazine.
Nangunguna na ngayon at doble sa yaman ni Villar ang naitala ng magkakapatid na Sy, mga tagapagmana ng yumaong retail tycoon na si Henry Sy.
Batay sa listahan ng Forbes magazine, mahigit sa 17-billion dollars ang yaman ng magkakapatid na Sy, sinundan ito ni Villar na may 6.6-billion dollars.
Nanatili sa ikatlong posisyon si John Gokongwei Jr. na mahigit na sa 5-billion dollars ang yaman samantalang umakyat sa number 4 si Enrique Razon Jr. na may mahigit rin sa 5-billion dollars na yaman.
Ang mga nasa panglima hanggang pang-sampung puwesto ay sina Jaime Zobel De Ayala, Lucio Tan, Tony Tan Caktiong, Ramon Ang, Ty siblings o mga anak ni George Ty ng Metrobank at Andrew Tan.