Naghain ng supplemantal complaint si dating TESDA Chief at Iloilo Representative Augusto Syjuco laban kay dating Pangulong Nonoy Aquino kaugnay sa Mamasapano incident at Dengvaxia dengue vaccine sa Ombudsman.
Ayon kay Syjuco, hindi dapat pinayagan ang pag-downgrade sa kaso laban kay Aquino kaugnay ng Mamasapano incident kung saan mula sa multiple charges of homicide ay ginawa na lamang usurpation of authority at graft.
Hiniling din ni Syjuco na maibalik ang orihinal na kasong kriminal na isinampa laban kay Aquino para mapanagot ito sa pagkakapatay sa SAF 44.
Iginiit din ni Syjuco na nagsinungaling si Aquino kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili at pagpapabakuna ng Dengvaxia dengue vaccine sa mahigit 800,000 mga estudyante.
(Ulat ni Jill Resontoc)