Aprub kay Sylvia Sanchez ang aktor na si zanjoe marudo bilang boyfriend ng anak nitong si Ria Atayde.
Sumalang sa isang panayam ang mag-inang Sylvia at Ria kung saan tinanong ito ng host na si Alora kung ‘naugthy or nice’ ang kanyang anak pagdating sa pag-ibig.
Sinagot naman ito ni Sylvia ng ‘nice’ dahil ibinibigay ni Ria ang lahat sa pag-ibig at lagi rin nitong pinaalalahanan ang kanyang anak na magtira palagi para sa sarili.
Sinabi pa ng aktres na masaya at nirerespeto nito ang pag-iibigan ng dalawa.
Matatandaang isiniwalat ni Sylvia noong Nobyembre 11 na exclusively dating ang relationship status nina Zanjoe at Ria. —sa panulat ni Jenn Patrolla