Ayaw munang tumanggap ni Sylvia Sanchez ng role na kahalintulad ng kanyang naging pagganap kay Nanay Gloria sa isang teleserye sa Kapamilya network.
Ayon kay Sylvia, bagama’t talagang minahal niya ang kanyang karakter ay hinay- hinay daw muna sa heavy drama dahil talagang nakakapagod ito at mahirap.
Kaya naman sa halip na drama, horror naman ang bagong gagawing proyekto ngayon ni Sylvia na isang pelikula na kabilang sa Cinema One Originals.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from arjoatayde / Instagram