Sinimulan na rin ang symbolic vaccination sa Pasig City ngayong araw.
Dinaluhan ito ni testing czar Vince Dizon at Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Pasig City Public Information Office Chief Ron Angeles, kabuuang 1,445 health workers ng Pasig City General Hospital at Pasig City Children’s Hospital ang nakalinyang babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Sinabi naman ni hospital acting director Arlene Samonte na dumami pa ang bilang ng mga gustong magpabakuna ng Sinovac nitong mga nakaraang araw.
Ngunit sa ngayon aniya ay prayoridad nila ang mga nasa listahan ng departmetn of health at ang kanilang alokasyon sa ngayon ay para sa mga health workers.