Maglulunsad ng sympathy ride ang biking community para sa pinaslang na siklistang si Mark Vincent Garalde, bukas ng hapon.
Ito’y bilang panawagan na bigyang katarungan si Garalde na pinagbabaril ng Army reservist na si Private Von Martin Tanto, sa Quiapo, Maynila, noong Lunes.
Alas-4:00 ng hapon bukas ay mag-aassemble ang mga lalahok sa sympathy ride sa Luneta, Maynila at magtutungong Mall of Asia, Pasay; Camp Crame, Quezon City at P. Casal Street sa Quiapo kung saan binaril ang biktima.
Mag-aalay ng dasal ang grupo sa mismong pinangyarihan ng krimen bago magtungo sa puneraryang pinaglalagakan ng labi ni Garalde.
Samantala, magkakaroon naman ng unity ride sa Linggo para sa pinaslang na siklista.
By Drew Nacino