Umakyat na sa 15 repatriates na nasa New Clark City sa Tarlac ang nadala sa ospital matapos magpakita ng sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Subalit ipinabatid ng Department of Health (DOH) na 14 sa mga ito ay nagnegatibo na sa COVID-19, batay sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ipinabatid ni DOH assistant secretary Maria Rosario Vergeire na ang 14 ay naibalik na sa New Clark City at isa na lamang ang nananatili sa ospital dahil hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri rito.
Sa March 11 matatapos ang 14-day mandatory quarantine period sa mahigit 400 inilikas mula sa MV Diamond Princess.