Inakusahan ng Amerika at France ang Syrian government sa tangkang pagsabotahe sa panibagong round ng peace talks na itinakda ngayong araw na ito.
Kapwa iginiit rin ng Amerika at France na kailangang ipakita ng Russia at Iran sa gobyerno ng Syria na kinikilala nito ang una nang napagkasunduan.
Ayon kay Syrian Foreign Minister Walid Al Moualem, hindi nila tatalakayin ang presidential elections sa peace talks sa Geneva ngayong linggo at makipag-usap sa anumang partidong interesadong kuwestyunin ang presidency.
Ang nasabing pahayag ay tinawag na provocation ng foreign minister ng France na nagsabi ring masamang senyales ito at hindi tumutugon sa ceasefire spirit.
By Judith Larino