Patay ang 13 miyembro ng local pro-regime group ng Syrian government matapos ang isang ambush sa Syria.
Ayon sa Syrian observatory for human rights, Jihadist group ang nagsagawa ng pananambang na kumitil sa buhay at naglagay sa panganib sa iba pang mandirigma ng Syrian government
Naganap sa lugar ng Masrib sa Kanluran ng lalawigan ng Deir Ezzor sa Syria ang insidente, habang nagsasagawa ng sweep operation ang mga miyembro ng local pro-regime group
Ang self-proclaimed caliphate ng is group ay matagal nang napabagsak sa Syria, na patuloy nagsasagawa ng pag-atake sa mga puwersa ng gobyerno mula sa mga hideouts sa Syrian desert hanggang Iraqi boarder.—mula sa panulat ni Joana Luna