Plano ni Syrian President Bashar Al-Assad na magtungo sa North Korea para sa isang state visit.
Batay sa ulat ng North Korean News Agency na KCNA, nabanggit ito ni assad nang kanyang tanggapin ang isang certificate mula kay North Korean Ambassador Mun Jong-nam.
Sinabi rin umano ni Assad na tiwala itong magiging matagumpay si North Korean leader Kim Jong Un na pagkaisahin muli ang Korean peninsula.
Nagsimula ang matibay na diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1966 at taong 1973 nang magpadala naman ng karagdagang tropa at armas ang North Korea sa Syria sa kasagsagan ng Arab-Israeli war.