Bukas palad na tatanggapin ng bansang Brazil ang mga refugee kaugnay ng lumalalang kaguluhan sa Syria.
Ayon sa Presidente ng Brazil na si Dilma Rousseff, nais niyang bigyang diin ang kahandaan ng brazil na i-welcome ang mga refugees na nais mamuhay at magtrabaho ng mapayapa sa kanilang bansa.
Binigyang diin ng Pangulo ng Brazil na sa mga ganitong krisis ay dapat aniyang mas maging bukas ang bawat isa sa pagtulong.
Batay sa tala, nasa 2,000 Syrian refugees na ang kinupkop ng Brazil magmula nang magsimula ang kaguluhan sa Syria noong 2011.
By: Ralph Obina