Tinapyasan ng Energy Regulatory Commission o E.R.C. ang system loss na ipinapasa sa lahat ng consumer ng kuryente.
Pasok sa system loss ang nawawalang kuryente mula planta hanggang sa mga bahay maging ang mga ninanakaw na kuryente.
Ayon sa E.R.C., sa mga distribution utility gaya ng MERALCO, mula sa kasalukuyang 8.5 percent, bababa ito sa 6.5 percent ngayong taon at patuloy na bababa hanggang 4.75 percent sa 2022.
Para sa mga kooperatiba, mula 13 percent, bababa naman ito sa 12 percent ngayong taon hanggang maging 8.25 percent sa taong 2022 at ang bawat isang porsyentong nababawas sa system loss ay katumbas ng point 5 centavos kada kilowatt hour.
Bagaman wala pang epekto sa singil sa kuryente ang pagbawas sa system loss ng MERALCO, malaki ang system loss pero sa ibang electric coop malilimitahan na ang ipapasa nila sa bayarin ng mga consumer.
Posted by: Robert Eugenio