Simula na ngayong araw na ito ang tigil-operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa kanilang system maintenance.
Kukumpunuhin ang MRT-3 hanggang sa Easter Sunday kaya’t balik sa normal ang operasyon nito sa Lunes, April 2.
LOOK: MRT-3 Director for Operations leads kick-off of inspection and maintenance works of rail tracks. Representatives from the AusAID-ADB Joint Advisory Panel have also joined the inspection. | via Aly Narvaez, MRT-3 Media Relations Officer pic.twitter.com/M5jbjFUGHH
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 28, 2018
Samantala, bukas naman, Huwebes Santo ay tigil muna ang operasyon ng LRT-1 at 2 at Philippine National Railways para din sa kanilang system maintenance.
Unang babalik sa normal operations ang PNR sa Linggo, April 1 maliban sa Bicol commuter train na sa April 2 pa magbabalik.
Ang LRT 1 at 2 ay balik-operasyon sa Lunes, April 2.
LRT Line 1 and 2 #TrainAdvisory | via DOTr pic.twitter.com/uCpO2HFPYm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 27, 2018
—-