Nananatili ang malaking panganib na maaaring idulot nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ito, ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ay kaya’t dapat na panatilihing off-limits ang buong Volcano Island.
Umapela si Solidum sa mga residente na huwag na munang ipilit ang pagpasok sa naturang lugar partikular sa itinuturing na high risk areas o ‘yung nakasasakop sa 14-kilometers ng Taal Volcano.
Pinayuhan din ni Solidum ang mga residente na manatiling maging maingat at alerto dahil nananatili ang posibilidad na magkaroon pa rin ng pagsabog.
Sinabi ni Solidum na ang kalamidad na tulad nang pag-aalburuto ng bulkan ay nagtatagal –taliwas sa bagyo na mabilis ang pagdating at kaagad din namang umaalis.