Naitala ang halos 90 pagyanig sa bulkang Taal mula noong Linggo.
Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nakataas pa rin ang alert level 1 status ng bulkan.
Dagdag pa ni Paolo Reniba, resident volcanologist ng Taal Lake observatory ng Phivolcs, sa isinagawang self potential survey ay namamaga pa rin ang dalisdis ng bulkan.
Samantala, ramdam naman ng mga residente ang patuloy na pagyanig ng bulkan.
Payo ni Reniba, kailangan maging handa ang mga nakatira sa paligid ng bulkang taal dahil oras na itaas ang alert level status ay pwedeng magsagawa ng evacuation.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang tourism activities sa bulkang Taal ngunit hindi muna pinapayagang pumunta sa crater ng bulkan ang mga turista.