Muli na namang nagbuga ng maitim na usok at abo ang Bulkang Taal.
Naitala pasado alas-6 ng umaga ang dalawang beses na pagbuga ng maitim na usok ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, ang unang pagbuga ay may taas na 5000-metro, samantalang 800-metro ang pangalawang pagbuga.
Mula alas-5 ng umaga ng Miyerkules hanggang alas-5 ng umaga ngayong Huwebes, ika-16 ng Enero, ay nakapagtala ng mahigit 100 volcanic quakes ang PHIVOLCS –14 dito ang naramdaman sa lakas na Intensity I hanggang Intensity III.
Dahil dito, umabot na sa mahigit 500 ang volcanic earthquakes na naitala ng PHIVOLCS mula noong unang sumabog ang bulkan noong Linggo, ika-12 ng Enero.