Nagnegatibo na sa sulfur dioxide ang Taal Volcano sa pinakahuling pagsusuri ng PHIVOLCS.
Ayon sa bulletin ng PHIVOLCS, masyado nang mababa ang sulfur dioxide emission ng Taal para masagap ng mga instrumento.
Gayunman, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 92 volcanic quakes sa nakalipas na 24-oras.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Taal Volcano na nangangahulugan umano na posible pa rin ang mga mahihinang pagsabog, volcanic earthquakes at ash fall lalo na sa loob ng 7-kilometrong danger zone.