Nakitaan ng bahagyang pagbuga ng usok o “moderate steaming” ang Taal Volcano, Miyerkules ng gabi, ika-26 ng Pebrero.
Ayon sa PHIVOLCS, may taas na 200 meters hanggang 300 meters ang usok na ibinuga ng bulkan.
Sa mga nakalipas umanong linggo ay kumaunti ang aktibidad ng bulkan simula ng huli itong pag-aalburuto noong Enero.
Nananatili naman nasa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Kasabay nito, inabisuhan pa rin ng PHIVOLCS ang mga residente malapit sa bulkan na manatiling alerto sa aktibidad nito kahit nananatili ito sa Alert Level 2.