Patuloy na nagbubuga ng abo ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagbubuga ito ng “moderate to voluminous” na steam.
Umabot ito ng 800-metro habang nasa 97-tons kada araw naman ang sulfur dioxide emission nito.
Mayroon namang higit 100 volcanic earthquakes ang naitala at isa lamang dito ang naramdaman.
Samantala, nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal.