Posibleng magkaroon ng mas matinding pagsabog ang Bulkang Taal.
Ito’y ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum dahil sa pagbuga aniya ng rock fragments na naitala sa bulkan ilang metro ang layo sa kalangitan.
Ani Solidum patuloy din ang paglabas ng usok sa bulkan dulot ng gas at water vapor na umaakyat mula sa main crater ng Taal.
Nakapagtala naman ng 29 na volcanic earthquake ang Taal volcano sa nakalipas na 24 oras.
Patuloy rin aniya ang pagbuga ng Bulkang Taal ng asupre at steam-rich plumes na may taas na 3 metro mula sa main crater.
Umaabot naman sa 13,287 tons per day ang asupreng inilalabas ng bulkan.
Sinabi ni Solidum na posible ring maganap ang pagbuga ng lava mula sa bulkan.