Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 3 ang status ng Taal Volcano sa Batangas.
Ayon kay Phivolcs OIC Renato Solidum, bagama’t nagkakaroon pa rin ng sulfur dioxide emissions at mahihinang pagyanig sa paligid ng bulkan ay wala nang banta ng pag-akyat ng magma.
Pinagbabawalan pa ring bumalik sa Taal Island ang mga residente habang pinapayagan naman ang pangingisda sa isla.
Samantala, ipinanawagan naman ni Solidum ang pagsasaayos ng road networks at transport systems sa mga lugar sa paligid ng lawa ng Taal upang mapabilis ang evacuation sakaling mag-alburoto muli ang nasabing bulkan.