Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) sa alert level one ang babala sa bulkang Taal matapos makapagtala ang ahensya ng mga pagbabago sa aktibidad ng bulkan.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala na ang PHIVOLCS ng 50 pagyanig ng bulkan mula noong 22 ng Marso.
Nagpaalala na rin ang NDRRMC sa publiko na hindi na maaaring puntahan ang bunganga ng bulkan dahil sa posibleng maliliit na pagsabog at pagbuga ng abo nito.
Dagdag pa ng konseho, nasa permanent danger zone ang buong isla sa bulkang Taal at hindi inirerekomenda ang mamirmihan dito.