Muling nagbuga ng sulfur dioxide o s.o.2 ang bulkang Taal sa Batangas.
Naitala ng Phivolcs ang nasabing aktibidad noong Sabado kung saan umabot sa 112,200 dalawandaang toneladang SO2 ang ibinuga ng bulkan.
Isa ito sa mga pinakamataas na SO2 emissions ngayong buwan na sinundan ng 19,463 tones noong November 7 at 14,054 tonnes noong November 6.
Nakapagtala rin ng tatlong volcanic tremor sa Taal volcano na tumagal ng 2 hanggang 3 minuto at lumikha ng moderate 700-meter tall plume na umagos patungo sa timog-kanlurang direksyon.
Nananatili sa alert level 2 ang naturang bulkan na nangangahulugang may probable intrusion ng magma sa ilalim nito na maaaring magresulta sa magmatic eruption.—sa panulat ni Drew Nacino