Muling nakapagtala ng labing tatlong pagyanig ang Taal volcano sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, tumagal ng hanggang tatlong minuto ang nasabing pagyanig kung saan, umabot sa 1,000-meter high ang ibinugang volcanic gas sa main crater ng bulkan habang tinatayang nasa 4,829 metrikong tonelada ng Sulfur Dioxide naman ang inilabas ng bulkang Taal.
Sa ngayon, patuloy na nakataas ang Alert level 2 sa Taal volcano kung saan, mataas ang posibilidad na mangyari ang steam-driven o phreatic bursts o lindol sa paligid nito kayat ipinagbabawal parin ang pagpasok sa loob ng permanent danger zone ng bulkang Taal. —sa panulat ni Angelica Doctolero