Nagtala ng labindalawang (12) volcanic quake o pagyanig sa paligid ng Taal Volcano nitong magdamag.
Batay sa seismic monitioring network ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang mahihinang paglindol sa loob ng 24-hour observation period.
Sa pinakahuling field measurements ng monitoring team ng Phivolcs noong Hunyo 13 ngayong taon, nakitaan ang main crater ng Taal lake ng pagtaas ng temperatura mula 32.5°C sa 33.8°C.
Bumaba rin ang water level nito sa 0.11 meters kaya’t ipinagbawal ang paglapit sa Main Crater o bukana ng bulkan.
Sa kabila nito, walang nakikitang senyales ng hazardous eruption o pagsabog, bagaman nananatiling nasa Alert Level 1 o pina-iiral pa rin ang Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid nito.