Nananatili sa Alert level 1 ang Bulkang Taal sa Batangas sa gitna ng patuloy na low-level unrest at pagbubuga ng volcanic smog.
Ayon sa PHIVOLCS, aabot na sa 3, 945 tonnes per day ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan bukod pa sa mainit na volcanic fluid sa main crater, na nagdudulot ng “Vog” o Volcanic Smog.
Naobserbahan din ang nasa 2, 100 meters na taas ng usok patungo sa timog-timog kanlurang direksyon.
Samantala, wala namang naitalang volcanic earthquakes o low-level background tremors.
Nito lamang Biyernes ay kabuuang 13, 572 tons ng volcanic sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan mula sa main crater nito, na nagdulot ng Vog sa Taal Caldera.