Labing pitong (17) volcanic earthquake ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras sa gitna na rin nang pananatili nito sa alert level 3.
Ayon sa Phivolcs tuluy- tuloy ang pagbuga ng bulkang Taal ng mataas na volcanic sulfur dioxide o nasa average na 3, 755 tons kada araw.
Umaabot naman sa hanggang 1, 800 meters ang maputing usok na lumalabas mula sa mismong bunganga ng bulkan.
Patuloy din ang paalala ng Phivolcs laban sa pagpasok sa paligid ng taal volcano island na itinuturing na permanent danger zone gayundin sa mga high risk barangays sa munisipalidad ng Agoncillo at Laurel.