Bubusisiin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon sa taas pasahe sa mga pampasaherong jeep na inihaanin ng ilang transport groups.
Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, dapat maisalang na sa pag-aaral ng ahensiya ang mga natanggap na fare hike petitions dahil sa epektong dulot nang patuloy na oil price hike sa hanap buhay ng mga jeepney drivers at operator.
Pinapalagay ng mga eksperto na posibleng tumaas pa ang presyo ng petrolyo sa mga susunod na araw dahil sa tensyon sa Ukraine.
Sa ngayon, may walong serye na ng taas ng halaga ng petroleum products mula nang pumasok ang 2022. —sa panulat ni Kim Gomez