Hihirit ng taas pasahe ang ilang mga transport groups sa pagpasok ng Enero.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, maghahain sila ng petisyon para hilinging maitaas sa P11 ang kasalukuyang P9 na minimum o unang apat na kilometrong pamahase sa mga jeepney.
Iginiit ni Martin, kasunod ito ng inaasahang 1.50 sentimos na taas presyo sa krudo simula ng Enero dahil sa epekto ng tax reform law.
Aniya, masyado nang mabigat ito para sa mga jeepney drivers na nasa apat hanggang P600 lamang ang kita sa bawat 14 hanggang 16 na oras na pamamasada.
Sinabi naman ni Fejodap President Zeny Maranan na posibleng tumaas pa sa P12 ang kanilang hirit para sa minimum na pamasahe lalo na kung papalo aniya sa 59 ang kada litro ng diesel.
Sa kabila naman nito, nangako si Maranan na hindi sila magsasagawa ng transport strike sakaling hindi agad matugunan ang kanilang petisyon para sa taas-pasahe.