Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-pasahe sa mga jeepney, bus, taxi at transport network vehicle service o TNVS.
Inilabas ng board ang naturang desisyon kasunod ng mga petisyong inihain ng mga transport group nitong taon.
Nabatid na kasama sa mga inaprubahan ang dagdag na piso sa pasahe sa mga jeepney para sa unang 4 km at 30 hanggang 40 centavos naman per succeeding kilometer.
Inaprubahan naman ang P 2.00 dagdag pasahe para sa city at provincial buses sa unang 5 km at 35 hanggang 50 centavos na dagdag per succeeding kilometer depende sa uri ng bus.
Samantala, sa ordinaryong provincial bus naman ay magiging P 11.00 na ang pasahe habang itinaas naman ang flagdown rate ng mga taxi at TNVS sa P5.00.