Inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ng senado ang isang panukala na naglalayong dagdagan ang buwanang social pension ng mga mahihirap na senior citizen.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, sponsor ng naturang panukala, hindi umano nakakasapat ang kasalukuyang 500 pesos buwanang pensyon ng mga senior citizen, isang dekada sapul nang isabatas ang Republic Act no. 9994 o “Expanded Senior Citizens Act of 2010”.
Mababatid na kung ganap na itong maisabatas, lahat ng mga mahihirap na senior citizen ay makakatanggap ng karadagang 1,000 pesos sa buwanang pensiyon.
Samantala, inaprubahan ng mga senador ang Senate Bill no. 2506, sa botong 18-0-0.