Nakaambang tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin na karaniwang ginagamitan ng papel at mga karton.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nagmahal ang presyo ng papel na ginagamit sa paglalagay ng “label” sa mga produkto at ang mga kahon na pinaglalagyan ng mga ito.
Kabilang sa mga bilihin na posibleng magtaas ang presyo ay ang mga sabon , toothpaste , gatas at fruit juices na kadalasang nakalagay sa karton.
Gayunman , nilinaw ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na hindi dahil sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang nakaambang pagtaas sa presyo ng ilang bilihin.