Posibleng mas lumaki pa ang gastos ng mga mamimili dahil bukod sa presyo ng mga pangunahing bilihin, epektibo narin ngayong araw ang taas-singil sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Ayon sa Petron Corp., tumaas kaninang madaling araw ng P7.95 ang kada kilo ng LPG habang P4.44 naman sa kada kilo ng Auto LPG.
Sa datos ng Department of Energy (DOE) ang Household LPG sa Metro Manila ay maglalaro mula P794.00 hanggang P1,054.00 kada 11-kilogram.
Ito na ang ikalawang buwan ng paggalaw sa presyo ng LPG na isa sa mga dahilan kaya nagbabago din ang presyo sa International Market. —sa panulat ni Angelica Doctolero