Muling nagpatupad ng LPG price hike ang ilang kumpanya sa bansa ngayong araw ng Sabado.
Ito’y kasunod ng naging paggalaw ng presyo ng liquefied petroleum gas sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa LPG Marketers Association, tumaas ng P1.98 per kilogram ang presyo ng kanilang LPG, o P22 kada 11-kg na cylinder tank.
Sa tweet post naman ng Petron Corporation, sinabi nitong, pumalo sa P1.95 per kilogram ang nadagdag sa presyo ng kanilang mga LPG products.
Bunsod nito, tataas rin ng P1.10 ang kada litro ng auto LPG.
Ganap na ipinatupad ang LPG price hike kaninang 12:01 ng madaling araw.