Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo ng mga noche buena items sa mga pamilihan partikular na sa Metro Manila.
Ayon sa DTI, ilalabas ngayong araw ang panibagong price guide kung saan, tumaas ng P42.00 ang ilang brand ng ham products, habang bumaba naman sa P30.00 ang iba pang brand nito.
Maglalaro naman sa P168.00 hanggang P892.00 ang Christmas ham batay na rin sa suggested retail price ng ahensya.
Bukod pa dito, kasama rin sa magtataas ng presyo ang mga fruit cocktail, cheese, quezo de bola, mayonnaise, sandwich spread, cream, spaghetti pasta at sauce, elbow at salad macaroni, at ang tomato sauce.
Iginiit naman ng DTI na walong items sa noche buena list ang hindi nagtaas o nananatili pa rin sa dating presyo.