Mararamdaman na ngayong weekend ang taas presyo sa mga noche buena product.
Ito’y makaraang aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na taas presyo sa naturang mga produkto.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, may basehan naman ang pagmahal ng mga pagkaing panghanda sa Pasko.
Isa na rito aniya ang pagtaas ng presyo ng raw materials kaya’t umaaray na rin umano ang mga manufacturer.
Gayunman, nilinaw ni Castelo na hindi lahat ng brands ng mga pinanghahanda sa Pasko ay magtataas ng presyo kaya’t maaari aniyang subukan ng mga mamimili ang mga hindi gaanong kilalang tatak ng mga produkto upang makamura.
Maaari umanong i-check sa website ng DTI ang kanilang ilalabas na listahan ng mga produktong pang noche buena na nagtaas, nanatili o bumaba pa ang presyo.
—-