Tumaas na rin ang presyo ng mga pagkain sa school canteen sa isang partikular na paaralan sa Parañaque City.
Nasa dalawang piso hanggang limang piso ang itinaas ng mga tindang pagkain kaugnay sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin.
Bukod sa pagtataas ng presyo, nauubos din ang break time ng mga estudyante sa pagpila para makabili ng pagkain.
Siniguro naman ng pamunuan ng eskwelahan na gagawa sila ng paraan para hindi na masayang sa mahabang pila ang oras ng mga estudyante para sa pagkain.
Imbes na estudyante ang lalabas para bumili ng pagkain, magde-deploy na lamang sila ng mga maglalako sa labas ng mga silid-aralan. – sa panulat ni Hannah Oledan