Muling magkakasa ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto ngayong Martes.
Ang dagdag presyo ayon sa sources ay ika-limang sunod na linggo nang dinagdagan ang presyo ng oil products matapos humina ang piso kontra sa dolyar habang umaakyat ang demand o pangangailangan ng langis sa Amerika, Europa at China.
Ipinabatid ng Shell, Cleanfuel, Petrogazz, Seaoil at PTT Philippines na epektibo mamayang alas sais ng umaga ang pisong dagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang 65 centavos naman sa kada litro ng diesel maliban lamang sa caltex na una nang nag adjust ng presyo kaninang alas dose uno ng hatinggabi sa pareho ring presyo.
Pitumpong sentimo naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene ng Shell, Caltex at Seaoil.
Alas kuwatro uno naman mamayang hapon ang dagdag presyo ng cleanfuel.